A Blog where you can read story that "STRAIGHT FROM THE HEART"



Tuesday, December 27, 2011

And I Love You So. . .(Chapter 2)

   Dumating si Lance sa school nya. Pumasok siya sa room nya at tahimik na nagbabasa.Subalit pumapasok pa rin sa isip nya si Jay.   
   "bakit di man niya lng ako binati alam niya namang birthday ko ngayon" sa isip ni Lance.
   Di nagtagal ay dumating na si Jay. Pero hindi pa rin siya nito binati. Nagsimula na ang kanilang klase hanggang sa matapos ay hindi pa rin siya nito binabati. nagsimula lang ng magtampo si Lance kay Jay.
   "hindi na talaga naalala ni Jay birthday ko, nakalimutan niya na" himutok ni Lance sa sarili.
   Lumabas si Lance ng room nila ng hindi pinapansin si Jay. Nauna na itong umuwi at hindi kinausap si Jay. Si Jay naman ay hinahanap si Lance kung nasaan na ito. Subalit hindi nya ito nakita.Tinawagan niya ito...
   "hello nasaan ka?" tanong ni Jay kay Lance
   "ito on the way pauwi,bakit?" sagot ni Lance na halatang galit
   "bakit di mo man lng ako hinitay?"
   "hindi na kita hinintay, nagmamadali kasi ako at may pupuntahan pa ako"
   pagkatapos sabihin iyon ni Lance ay pinatay niya na ang phone. Si Jay naman ay umuwi na din baka para maabutan niya si Lance at isorpresa ito. Alam ni Jay na kaarawan ni Lance maari nya ba itong kalimutan eh kaarawan iyon ng taong pinakamamahal niya. Mahal ni Jay si Lance kaso mas pinili nya na lang na ilihim ito kaysa sa masira ang pagkakaibigan nila.

   Dumating si Lance sa bahay nila at nagpalit ng damit. pagkatapos niya magbihis ay umalis kaagad siya. Sakto namang pagdating ni Jay. Hinanap ni Jay si Lance sa mama nito
   "tita si Lance" tanong ni Jay sa Mama ni Lance na si Marga
   "naku kakaalis lang, gigimik daw siya"
  "ah ganun po ba tita, pagdating po tita pakisabi pumunta siya sa bahay na inuupahan namin"
   wika ni Jay na himig ng lungkot. May inuupahang bahay sila ni Lance at magkasama sila dun. Pag gusto nila tumambay o gumawa ng mga bagay bagay na walang istorbo dun sila sa bahay na inuupahan nila. Umuwi si Jay sa bahay nila nagbihis at umalis din. Pumunta siya sa bahay na inuupahan nila. Duon siya naghintay kay Lance. Tinawagan niya ito. . .

   Malakas ang sounds ng music. Maraming nagsasayawan na may tama na ng alak. Si Lance naman ay nakiki indayog na din sa gitna. Halatang may tama na ng alak. Alam niyang tumatawag sa kanya si Jay kaso hindi niya ito sinasagot sa halip ay pinatay niya ang phone niya. Nagpakasaya siyang mag isa na may tinatagong tampo sa kaibigan.
   Alas dyes, Alas onse, Alas dose, Ala-Una pero wala pa ding Lance na dumadating. Naghihintay pa din si Jay.Nakaupo siya sa sopa.Hawak ang regalo nya para kay Lance. Sa center table naman ay mga paboritong pagkain ni Lance. May Cake, Spaghetti, Fried Chicken at Salad. Tanging maliit lang na ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa buong bahay.

   Alas tres dumating si Lance sa bahay nila. Hindi na tampo ang nararamdaman niya kay Jay kundi galit na. Hindi muna siya pumasok sa bahay nila. Dumiretso siya sa bahay ng tita ni Jay na katapat lng ng bahay nila.
Nag door bell si Lance at ang tita Vangie ni Jay ang nagbukas.
   "oh Lance ikaw pala, nasaan si Jay"tanong ng Tita Vangie ni Jay
   "po? hindi ko po siya kasama." sagot ni Lance na nagulat
   "ang sabi niya pupunta siya sa bahay niyo, dun daw siya maghihintay sayo at di daw siya uuwi pag di ka kasama" sagot naman ng tita ni Jay.
   Nagulat naman si Lance sa nalaman. . .

Itutuloy. . .

No comments:

Post a Comment