A Blog where you can read story that "STRAIGHT FROM THE HEART"



Wednesday, December 28, 2011

And I Love You So. . .(Chapter 7)

   Kinabukasan nagising si Lance. Nasa sopa pa rin siya pero napansin niyang wala ng mga kalat. Sakto naman dumating si jay galing sa kusina.

   "gising ka na pala, tara na almusal na tayo" pagyaya ni Jay kay Lance
   "ayoko di pa ako gutom, uuwi na ako" 
   Sabay tayo ni Lance at umalis na. Namamaga ang mga mata ni Lance. Hindi na rin nag tagal si Jay at umuwi na din ito.Pagdating sa bahay ay naghanda na si Jay sa pagpasok. Dumaan muna si Jay sa bahay nila Lance tinanong niya kung papasok ba ito. Ngunit sabi kang ng Mama ni Lance na ayaw daw nito magpa istorbo kahit kanino. Kaya pumasok na lang si Jay. Natapos ang isang araw at hindi nga pumasok si Lance. Madami pa naman silang mga assignments at bukas na ang deadline ng mga project nila.

   Alas Ocho ng gabi. Kumatok si Jay sa pinti ng kwarto ni Lance. Dala niya ang mga assignments at projects niya para ipakopya kay Lance.Kumakatok siya ng makarinig siya ng sigaw.

   "ANU BA AYOKO MUNA NG ISTORBO!!!" sigaw ni Lance
   Gumawa si Jay ng letter at sinulat niya dun.
   "Boy 
         ito nga pala ung mga assignments at project natin bukas na deadline ng pasahan niyan. Daanan ko na lng bukas kung di ka pa rin papasok" 
   Inilusot niya ito sa pinto ng kwarto ni Lance at nakita naman ito ni Lance. Naiinis si Lance at hindi muna ito binasa binuksan niya kaagad ang pinto at galit na tumingin kay Jay.

   "bobo ka ba, mahirap ka bang umintindi? ha? ang sabi ko ayoko muna ng istorbo!!! kaya pwede ba umalis ka na at ayoko munang makita ka!!!!" galit na turan ni Lance kay Jay. Walang kibo na tumalikod si Jay at umalis.Iniwan na lang ni Jay sa gilid ng pinto ang mga dala niya.Padabog namang sinara ni Lance ang pinto ng kwarto niya.

   Mga bandang alas dyes naisipan ni Lance na tumayo.Pagbukas niya ng pinto nakita niya kaagad ang mga gamit ni Jay. Naalala niya bigla na bukas na pala ung deadline ng project nila. Naisipan niya ding basahin ang letter na ginawa ni Jay.Nabasa ni Lance na . . .
  "Boy          
         ito nga pala ung mga assignments at project natin bukas na deadline ng pasahan niyan. Daanan ko na lng bukas kung di ka pa rin papasok" 
   Dali dali niya itong kinuha at gumawa ng assignments at project. Di siya masyado nahirapan buti na alng nandun ung mga gamit ni Jay at may nakokopyahan siya pag nahihirapan. Bigla niyang naalala ang pagbulyaw niya dito kanina.
   "galit kaya yun?" sa isip ni Lance. "hindi yun di naman ako kayang tiisin nun eh, si Jay pa"

   Kinabukasan, dumaan siya sa bahay ni Lance para kunin ang mga assignments niya at projects. Saktong pagpasok niya nakita niya kaagad ito sa center table sa sala. Kinuha niya kaagad ito para di maabutan ni Lance. Palabas na siya ng biglang may tumawag sa kanya.
   "Jay, sandali lang"


Itutuloy

  

And I Love You So. . .(Chapter 6)

   "Boy? anung problema? bat ka lasing? bat ka umiiyak?" pag aalalang tanong ni Jay kay Lance.
   "si Bettina boy gusto makipaghiwalay sa akin," sagot ni Lance sabay tulo ng mga luha.
   "ha? bakit naman?"
   "pupunta siya ng ibang bansa dun na siya mag-aaral,"
   "eh bakit makikipag hiwalay siya sayo?, mahal nyo naman ang isat isa diba?"
   "yun nga sabi ko sa kanya, kung mahal talaga namin ang isat isa, kahit nasa malayong lugar pa siya magiging kami pa din, total may communication naman eh,"
   "eh anung sabi niya?"
   "hindi daw siya naniniwala sa LONG DISTANCE RELATIONSHIP"
   Tumigil si Lance sa pagsasalita at patuloy lang na tumutulo ang kanyang mga luha. Naaawa si Jay sa kalagayan ng kaibigan niya. Kahit sabihin niya sa sarili niya na natutuwa siya sa nangyayari sa dalawa hindi pa rin niya kayang nakikita na nasasaktan at umiiyak si Lance,

   "boy tama na wag ka na umiyak, maayos din yan" pag aalo ni Jay sa kaibigan.
   "hindi ko kayang mabuhay ng wala siya boy, mahal ko siya boy, mahal na mahal" wika ni Lance habang tumutulo ang mga luha niya.

   Lihim na napaluha si Jay sa mga sinabi ni Lance.Patuloy pa din sa pag iyak si Lance si Jay naman ay nasa gilid ng kaibigan at pinapatahan ito.

   "tara inom tayo boy" pagyaya ni Lance kay Jay
   "boy alam mo namang hindi ako umiinom, tsaka isa pa lasing ka na, matulog ka na lang" pagpigil ni Jay kay Lance.
   "ok lng kung ayaw mo, ako na lang"
   Sabay sakay ni Lance sa kotse at nagdrive. Dumiretso si Lance sa bahay na inuupahan nilang dalawa. Duon ay uminom ng uminom si Lance habang patuloy na tumutulo ang mga luha.Si Jay naman ay pumunta din sa bahay nila,dahil alam niyang iyon lang ang pwedeng puntahan ni Lance pag nagkaka problema ito.

   Pagdating ni Jay sa bahay nila, Naawa siya sa kalagayan ng kaibigan. Nakaupo ito sa sopa at lasing na lasing.Hawak ang bote ng beer. Wala ng malay si Lance sa kalasingan. Lumapit si Jay kay Lance, inalalayan niya itong makaupo ng maayos. Bakas sa mga mata ni Lance ang mga luha. Awang-awa si Jay sa sitwasyon ng kaibigan.
   Niligpit niya ang mga kalat ng kaibigan niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng maliit na planggana na may malamig na tubig at bimpo. Pinunasan niya si Lance. Sa di sinasadya ay napasandal si Lance sa balikat niya at muntik ng magdampi ang kanilang mga labi. Natigilan si Jay at di nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa maamong mukha ni Lance. Hinaplos ni Jay ang pisngi ni Lance.
   "bettina wag mo akong iwan mahal kita" wika ni Lance na lasing na at walang alam kung anung sinasabi

   Napaiyak si Jay. Ang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Mahal na mahal niya ang kaibigan niya,kaso iba ang mahal nito. Malapit lang ito sa kanya pero hindi niya hawak ang puso nito.
   "were so close yet so far away" sa isip ni Jay kasabay ng pagluha.

   "ako na lang kasi Lance , a-ako na lang, ako na lang" wika ni Jay habang umiiyak at hinahaplos ang mukha ng wlang kamalay malay na si Lance.


Itutuloy. . .

Tuesday, December 27, 2011

And I Love You So. . .(Chapter 5)

   Sinanay na lang ni Jay na hindi makasama ang matalik na kaibigan. Kaarawan niya ngayon at hindi siya umaasa na babatiin siya ng kaibigan niya. Dahil alam niyang busy ito sa kanyang girlfriend.Nag ayos na si Jay para pumasok sa school. Pagdating niya ay nakita niya kaagad si Lance at Bettina na naglalambingan. Napansin siya ng dalawa at ngumiti na lang siya.
   "ang sakit naman ng regalo na ito" sa isip ni Jay na ang tinutukoy ay ang paglalambingan ni Lance at Bettina.
   Nagsimula ang kanilang klase. Hindi makapagconcentrate si Jay dahil sa mga katabi niya. Alas syete saktong natapos ang klase nila. Nagpaalam siya kay Lance na uuwi na siya.
   "Boy! uwi na ako ah" paalam ni Jay kay Lance
   "ok sige, may date pa kami nitong sweetheart ko eh" 
   "ok alis na ako" wika ni Jay na may halong ngiti

   Umuwi na si Jay at nagkulong kaagad siya sa kwarto niya. Duon ay umiyak na naman siya. Hindi na siya naalala ng kaibigan niya. Hindi siya nito binati ng "Happy Birthday" man lang.Nakatulog si Jay dahil sa pag iyak niya.Ala- Una ng madaling araw nagising siya dahil nag ring ang phone niya. Si Lance ang tumatawag.
   "hello boy?" wika ni Jay
   "boy? gising ka pa labas ka naman sa bahay nyo oh" wika ni Lance
   "bakit may problema ba?" nag aalalang tanong niya
   "basta boy, lumabas ka na lang" 
   Narinig ni Jay na parang umiiyak ito. Dali-dali saiyang lumabas ng kwarto at lumabas ng bahay.Pag labas niya nakita niya ito. Nakasandal sa sasakyan nito at umiyak. Halatang lasing si Lance.


Itutuloy. . .

And I Love You So. . .(Chapter 4)

   Naging mas mabuti pang magkaibigan si Jay at Lance.Pero isang araw nagbago ang buhay nila.
   Start na ng second semester ng school ng may bagong transferre sa department nila. Yun ay si Bettina, maganda, sexy, simple,matalino, mayaman lahat ng katangian nasa kanya. Siguradong siya ang pangarap ng mga lalake na makasama sa buhay.
   "ok class may bago kayong classmate" wika ng guro nila Lance.
   Pumasok ang isang magandang babae at yun nga ay si Bettina. Lahat ng mga lalaki na namangha sa kagandahan ni Bettina. Nagpakilala si Bettina at pagkatapos ay umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Lance.
   "hi, i'm Bettina and you?" sabi nito kay Lance sabay lahad ng kamay.
   Tinanggap naman ito ni Lance at nakipagkilala.Mabilis na nagkapalagayan ng loob si Lance at Bettina.

   Lumipas ang mga araw ay mas lalong naging close si Bettina at Lance. Minsan ay palagi silang magkasama sa mall. Kumakain sa labas, Nanunuod ng sine, Magkasamang gumigimik.

   Isang araw, walang pasok lumabas si Jay ng bahay sakto ding paglabas ni Lance. Bihis na bihis si Lance halatang may lakad ito.
   "saan ka pupunta boy?" tanong ni Jay kay Lance
   "may date kami ni Bettina" sagot naman ni Lance
   "ah ganun ba, sige ingat" sabay ngiti ni Jay
   "o siya alis na ako" wika ni Lance sabay sakay sa sasakyan niya at umalis.
   Naiwan si Jay na malungkot. Kahit alam niyang masakit wala siyang magagawa hanggang magkaibigan lang sila. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila at magalit ito sa kanya. Kaya mananahimik na lang siya kahit masaktan siya.
   Dumaan ang mga araw na hindi na sila palagi magkasama ni Lance dahil busy ito kay Bettina.Hanggang dumating din ang araw na nagkatuluyan nga si Bettina at Lance.Pumunta si Jay sa isang lugar na siya lang. Duon ay iniyak niya ang sakit na nararamdaman. Sa tuwing nakikita niya na naglalambingan ang dalawa ay lalo siyang nasasaktan pero wala siyang magagawa. Kaibigan lang sila at hanggang duon na lang yun.


Itutuloy. . .

And I Love You So. . .(Chapter 3)

  Dali daling umalis si Lance at pumunta sa bahay na inuupahan nila ni Jay. Pagdating niya dun nakita niya si Jay nakaupo sa sopa na hawak ang regalo at tulog na. Nakita niya din ang mga paborito niyan pagkain sa lamesa. Nakita niya din ang isang card na nasa lamesa at binasa niya ito.
    "Dear Lance,
                Happy Birthday Lan-Lan. . . Sana maging mabait ka pa rin palagi. Wag kang magbabago.
     Many birthdays to come. Sana mahanap mo na yung taong mamahalin mo. Nandito lang ako lagi
     bilang matalik mong kaibigan. Anu mang problema kung kailngan mo ng tulong. 
     I'm Always here Boy. . . :-) Once again happy birthday . . ."

   Naawa siya sa sa ginawa niya sa kaibigan pingahintay niya walong oras. Nagtampo pa siya yun pala balak siya nitong isurprise.Pinatayan ng cellphone at pinagsungitan. Ginisng niya ito.
   " boy! gising. . . boy uy"sabay tapik ng mahina sa braso ni Jay.
   " oh boy nandyan ka na pala, kanina ka pa ba?" tanong ni Jay
   " kararating ko lng, sorry boy kung napaghintay kita" wika ni Lance
   "ok lng boy, nga pala Happy Birthday ah, ito nga pala regalo ko" 
   "salamat" sabay ngiti ni Lance
   "kain na tayo" 

   Kumain na nga sila. Puro sila tawanan habang kumakain. Kung anu anu ang napagkwentuhan nila. Masaya si Lance, hindi niya alam kung bakit basta masaya siya.

Itutuloy. . .