A Blog where you can read story that "STRAIGHT FROM THE HEART"



Monday, December 26, 2011

And I Love You So. . .(Chapter 1)

"Lanceeeeeeeee. . . . .! ! ! !"
sigaw ni Jay sa matalik na kaibigan na si Lance.Simula pagkabata ay matalik na magkaibigan ang dalawa. Magkapitbahay,Magkalaro, lalong-lalo na magkaklase simula kinder hanggang ngayon college.
   Lance De Guzman isang Mass Comm Students sa isang sikat na Unibersidad sa Pilipinas. Galing sa napakayamang angkan. Matalino,Gwapo,Moreno,Matangkad at Macho.Di maipagkakaila na habulin ng mga babae.
   Jay Vincent Tan isa ring Mass Comm Student. Ulila sa Ina at sa Ama hindi nya pa nakikilala. Isang Bisexual si Jay pero kahit ganun ay hindi siya halata sa katunayan ay habulin din siya ng mga babae. Matangkad, Moreno, Cute, lalong lalo na sa lahat Matalino. Kung katawan ang pag uusapan may ibubuga din siya pero mas mas macho talaga si Lance.Tita Vangie ni Jay ang nag papaaral sa kanya, mabait naman ang tita nya.
   Magkapitbahay sila Lance at Jay. Magkaklase din lalong lalo na sa lahat matalik na magkaibigan. Tanggap ni Lance kung anu si Jay. Basta daw wag lang magsusuot at magkikilos bakla si Jay.

 Nakangiting lumapit si Jay kay Lance.
"papasok ka na?" tanong ni Jay kay Lance
"oo tara na sabay na tayo" nakangiting wika ni Lance sa kaibigan na si Jay
"ah mauna ka na lng" sagot naman ni Jay
"anung mauna? sabay tayo"
"eh may dadaanan pa ako eh"
"eh di sama ako"
"wag ako na lng "
"anung ikaw na lng? may nililihim ka ba Jay"
"wa-wala ah" sagot ni Jay na nauutal
"kilala kita Jay alam kung may tinatago ka na naman"
"wala nga! ! ! ang kulit mo talaga Lance, mauna ka na lng susunod na lng ako sa school"


   Hindi sumagot si Lance tumingin lang siya sa mata ni Jay ng walang ekspresyon.Pagkatapos nun ay tumalikod na si Lance.Nakonsensya naman si Jay sa ginawa nyang pagtaboy sa kaibigan. . .

  sa kotse habang nasa daan papunta sa school ni Lance

  "hindi siya sumabay sa akin,hindi niya man lang ako binati, hindi nya yata naalala birthday ko"  sa isip ni Lance habang binabagtas ang daan patungo sa school nya. . .



Itutuloy. . . . .

No comments:

Post a Comment